CDA Region III EO

KoopBest sa Tres: Pagkilala sa mga Natatanging Kooperatiba at CDOs ng Gitnang Luzon

KoopBest sa Tres: Pagkilala sa mga Natatanging Kooperatiba at CDOs ng Gitnang Luzon

October 23, 2025 – Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang “KoopBest sa Tres” upang kilalanin ang mga natatanging kooperatiba at Cooperative Development Officers (CDOs) ng Gitnang Luzon. Ang naturang gawain ay ginanap sa Heroes Hall, Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa pangunguna ng Cooperative Development Authority (CDA) Region III Extension Office.

Kabilang sa mga panauhing pandangal ay sina Regional Director Marieta P. Hwang at Asst. Regional Director Carolina M. Miguel mula sa CDA Region III EO, at sina Asec. Virgilio R. Lazaga, Asec. Abdusalam A. Guinomla, at Asec. Myrla B. Paradillo mula sa CDA Head Office. Kabilang rin sa mga dumalo sina Dr. Ranie B. Canlas at Dr. Dynah D. Soriano mula sa Pampanga State University, G. Dennis D. Andres mula sa Philippine Coconut Authority, G. Severino S. Remandaban mula sa Bataan Coconut Farmers Council, at G. Luis Nate mula sa Bataan Coconut Farmers Federation.

Nakiisa rin sa programa ang ilang Coconut Farmers Cooperatives mula sa Bataan at Zambales, kabilang ang Tala Orani Multipurpose Cooperative, Community Savers Agriculture Cooperative, Pag-asa Coconut Farmers Agricultural Cooperative, Dinalupihan Masigasig Coconut Farmers Agriculture Cooperative, Samahan ng Magsasaka sa Alion Agriculture Cooperative, at Zambales Coconut Free Farmers Agriculture Cooperative.

Sa unang bahagi ng programa ay isinagawa ang panunumpa ng pakikisa kasunod ng paglagda sa Solidarity Wall. Ang gawain na ito ay na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at iisang layunin ng pamahalaan at mga magsasaka ng niyog upang maisulong ang kanilang kapakanan, mapalakas ang kooperasyon, at matiyak ang patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng mga magniniyog.  Nagbahagi rin ng mensahe si G. Severino Remandaban, Jr., isa sa mga kasapi ng Coconut Farmers Federation ng Bataan. Gayundin, nagpaabot  ng mensahe ng pakikiisa at pasasalamat si G. Dennis D. Andres, Regional Manager ng Philippine Coconut Authority (PCA), kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagpupugay sa Cooperative Development Authority (CDA) sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan upang patatagin at palawakin ang industriya ng pagniniyog — hindi lamang sa Gitnang Luzon, kundi sa buong bansa.

Sinundan ito ng pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng CDA Region III EO at Pampanga State University (PSU) para sa pagsisimula ng Cooperative Development Management Masterclass. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Dr. Ranie B. Canlas, Vice President ng PSU, ang kanilang layuning patatagin pa ang edukasyong pang-kooperatiba at buksan ang kamalayan ng kabataan hinggil sa mga prinsipyo ng pagkokooperatiba.

Isa sa mga tampok ng programa ang pagkilala sa mga natatanging Cooperative Development Officers (CDOs) na sina Gng. Cristina R. Corpuz (City of San Jose, Nueva Ecija) para sa City Component Category, Engr. Reynaldo Garcia (City of Malolos, Bulacan) para sa Independent Component City Category, G. Jeanne Karen M. Bacani (Floridablanca, Pampanga) para sa Municipal Category, at Atty. Jayric L. Amil (Bulacan) para sa Provincial Category.

Iginawad din ang mga parangal sa mga natatanging kooperatiba para sa sumusunod na kategorya: 

  • Maunlad La Paz Multipurpose Cooperative para sa Best Small Cooperative;
  • Homebuilders Alkansya Multipurpose Cooperative para sa Best Medium Cooperative and Best in Community Development Programs;
  • Watchlife Workers Multipurpose Cooperative para sa Best Large-Millionaire Cooperative, Best in Environmental Protection and Preservation Program, at Best Laboratory Cooperative;
  • San Jose del Monte Savings and Credit Cooperative para sa Best Large-Billionaire Cooperative, Best in Disaster Response/Preparedness, at Best Guardian Cooperative;
  • Bagumbayan Primary Multipurpose Cooperative para sa Cooperative Best Practice;
  • Caniogan Multipurpose Cooperative para sa Outstanding Performance and Scaling Up for 2024;
  • Calumpit-Hagonoy Jeepney Drivers and Operators Transport Cooperative para sa Most Diligent Cooperative;
  • Bagong Jerusalem Farmers Field School Agriculture Cooperative para sa Best in Capital Build-Up Generation;
  • Capitol Employees of Bataan Multipurpose Cooperative para sa Best in Youth Program; at
  • Bagong Barrio Multipurpose Cooperative para sa Best in Program for Members and Gender and Development Champions, 

Bilang patunay ng malikhaing diwa ng CDA Region III, tampok din sa programa ang mga pagtatanghal ng mga kawani ng ahensya sa pag-awit at pagsayaw. Ang kanilang talento at sigla ay nagsilbing paalala na ang bawat tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap at puso para sa serbisyo.

Sa pagwawakas ng programa ay nagbigay ng kanyang mensahe ng pasasalamat si Ms. Carolina M. Miguel kung saan pinuri niya ang pakikiisa ng bawat Kooperatiba, Cooperative Development Offices, at ang mga ahensyang katuwang sa pagpapaunlad ng kilusang pang-kooperatiba sa Rehiyon III. Kanya ring binigyang pagpapahalaga ang talentong ipinamalas ng mga CDA Staff at ang kanilang sama-samang pagtutulungan upang maayos na maisagawa ang programa. 

Para sa opisyal na mga larawan ng programa, maaaring i-access ang link na ito: 

#KoopBestSaTres
#PagkilalaSaNatatangingKooperatiba
#ParangalParaSaGitnangLuzon

KoopBest_sa_Tres_2025

KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025

 

KoopBest_sa_Tres_2025

KoopBest_sa_Tres_2025

KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025

KoopBest_sa_Tres_2025

KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025
KoopBest_sa_Tres_2025