For a long time, small entrepreneurs, farmers and fisherfolk faced the challenges of accessing bank loans. Currently, the most accepted types of collateral are either land or motor vehicles, which they do not have.
With the implementation of the Philippines Personal Property Security Registry (PPSR), grantors and borrowers now have increased access to secured loans with financial institutions using non-traditional collaterals, such as accounts receivable, inventory, warehouse receipts, crops, livestock, machinery and equipment.
Pursuant to Republic Act No. 11057, or the Personal Property Security Act (PPSA), which was promulgated on August 17, 2018, the PPSR will serve as a centralized and online notice-based registry that will contain information on mortgages involving personal and movable properties.
The new law also mandated the Land Registration Authority (LRA) to establish and maintain the PPSR, which can be accessed through www.philppsr.lra.gov.ph and was made available for public use on March 25, 2021.
“We see this as an opportunity to increase the financial security of both the creditor and the grantor. The new registry will help both parties to verify and recover collaterals used in a security agreement,” LRA Deputy Administrator Robert Nomar Leyretana said.
Any individual and juridical entity can access the PPSR, whether to create notices or conduct a search in the Registry for due diligence purposes.
For more information, visit LRA website through www.lra.gov.ph, or the PPSR Information
Center at https://sites.google.com/lares.com.ph/ppsr-information-center/home.
ISANG PATALAAN PARA SA MAS MADALING PAGKUHA NG LOAN MULA SA MGA BANGKO AT IBA PANG CREDITORS
Sa mahabang panahon, karamihan sa mga maliliit na negosyante, magsasaka at mangingisda ay nahihirapang kumuha ng loan sa mga secured creditors katulad ng bangko.
Sa pagsasabatas ng RA 11057 o Personal Property Security Act (PPSA) noong ika-18 ng Agosto 2018, ang grantor at borrower ay nagkaroon ng mas madaling pagkakataon na kumuha ng secured loans gamit ang mga di-karaniwan o non-traditional collateral tulad ng accounts receivable, imbentaryo, pananim, livestock, at mga makinarya sa pamamagitan ng Philippines Personal Property Security Registry (PPSR).
Alinsunod sa mandato ng PPSA, ang PPSR ay isang online notice-based registry kung saan maaaring irehistro ang mga impormasyon tungkol sa security interest gamit ang mga personal at movable properties. Dahil ito ay online, nasaan ka man ay maaari kang magrehistro ng notice o maghanap ng notice gamit ang detalye ng grantor, collateral o ng notice registration number.
Ang LRA ang inatasang gumawa ng PPSR. Simula March 25, 2021, maaari nang gumawa ng User Account ang mga indibidwal gamit ang Individual User o mga organisasyon, asosasyon at mga katulad nito gamit ang Juridical Entity User. Magpunta lamang sa www.philppsr.lra.gov.ph.
“Ito ay isang oportunidad para tumaas ang seguridad sa pinansyal ng mga creditor at grantor.
Ang Registry na ito (ang PPSR) ay tutulong sa publiko upang magberipika at maghanap ng impormasyon tungkol sa mga collateral na kadalasang ginagamit sa security agreement,” ang sabi ni LRA Deputy Administrator Robert Nomar Leyretana.
Ang PPSR ay maaaring gamitin ng mga indibidwal at juridical entity upang magrehistro ng isang notice o para magsaliksik ng impormasyon tungkol sa isang notice, isang mangungutang o isang collateral.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang LRA website sa www.lra.gov.ph o ang PPSR Information Center sa https://sites.google.com/lares.com.ph/ppsr-information-center/home.