Pagbati!
Ipinapaalam ng inyong Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng mga Kooperatiba (CDA) ang tulong mula sa DOLE para sa displaced workers (CAMP). Mag email sa [email protected] o tumawag sa Hotline 1349. Ayon na rin sa ating Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE), ang COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP) ay isang programa para sa mga nakatakdang benepisyaryo nito sa mga nasa hanay-manggagawa. Ito ay kanilang inilunsad bilang tugon sa krisis-pangkalusugan na kinakaharap ng ating bansa.
Kung iibigin ng sinumang nakababasa ng pabatid na ito na maabot ang mga sumusunod na pamantayang itinakda ng nasabing Kagawaran upang maging benepisyaryo ng CAMP, mag email lamang sa [email protected] o tumawag sa Hotline 1349.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa iba pang programa at gawain ng nasabing Kagawaran, magtungo lamang sa kanilang website na: https://www.dole.gov.ph/
Kaakibat ang Pangasiwaan ng Pagpapaunlad sa Kooperatiba (CDA) ng pambansang pamahalaan sa pagtugon sa kinakaharap ng ating mga kababayan, lalung higit sa mga manggagawa sa sektor ng kooperatiba na lubusang naapektuhan ng krisis dulot ng sakit na COVID-19.
Pinapaabot din ng inyong Pangasiwaaan ang dalangin para sa maluwalhati ninyong pangangatawan. Makinig lamang sa mga tagubilin ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) upang maiwasan ang nakahahawang sakit dulot ng COVID-19. Ingatan ang ating sarili mula sa maling impormasyon. Sumubaybay lamang sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon.
Maraming salamat po