Ipinapaalam ng inyong Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng mga Kooperatiba (CDA) ang tulong mula sa DOLE para sa informal sector workers (TUPAD #BKBK). Mag email sa [email protected] o tumawag sa Hotline 1349. Ang anunsyong ito ay iba pa sa napauna na naming nailathala para naman sa DOLE CAMP.
Ayon sa Pambansang Komisyon sa Pasahod at Produktibidad (NWPC), na siyang isa sa mga ahensyang nakaugnay sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE), ang TUPAD #BKBK ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawang nasa impormal na sektor gaya ng underemployed at self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19.
Hinggil din sa NWPC, hindi na maaaring maging benepisyaryo pa sa TUPAD #BKBK ang mga indibidwal na nakakuha na ng tulong mula sa mga sumusunod na programa:
Benepisyo ng Expanded and Enhanced Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)
Benepisyo ng DOLE-COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP)
Benepisyo ng DSWD – Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
Benepisyo ng Cash Assistance ng DA para sa mga magsasakang nagtatanim ng palay
Kung iibigin ng sinumang nakababasa ng pabatid na ito na maabot ang mga sumusunod na pamantayang itinakda ng nasabing Kagawaran upang maging benepisyaryo ng TUPAD #BKBK, mag email lamang sa [email protected] o tumawag sa Hotline 1349.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa iba pang programa at gawain ng nasabing Kagawaran, magtungo lamang sa kanilang website na: https://www.dole.gov.ph/
Kaakibat ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng mga Kooperatiba (CDA) ng pambansang pamahalaan sa pagtugon sa kinakaharap ng ating mga kababayan, lalung higit sa mga manggagawa sa sektor ng kooperatiba na lubusang naapektuhan ng krisis dulot ng sakit na COVID-19.
Pinapaabot din ng inyong Pangasiwaaan ang dalangin para sa maluwalhati ninyong pangangatawan. Makinig lamang sa mga tagubilin ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) upang maiwasan ang nakahahawang sakit dulot ng COVID-19. Ingatan ang ating sarili mula sa maling impormasyon. Sumubaybay lamang sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon.
Maraming salamat po.