CDA PINANGUNAHAN ANG SAO AGRI CO-OP CLUSTER, MGA OPISYALES NAHALAL

Nitong ika-6 ng Hulyo, Martes ng kasalakuyang taon, naganap ang pagpupulong ng Samahan ng mga Kumpol na Rehiyon o Regional Clustered Organizations (RCOs). Sa nasabing kaganapan, idinaos din ang eleksiyon ng mga opisyales ng Sectoral Apex Organization (SAO) o ang Taludtod ng mga Sektor Pang-Agrikultura.

          Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ni Tagapagtanggol Jovilyn Gaffud-Marquez, Hepe ng Pangkat Pambatas, at pinangunahan ni Dr. Virgilio R. Lazaga, Galamay na Kalihim at pinuno ng Kumpol ng Agrikultura, Agrario o repormang pansakahan, akwakultura, mga magsasaka, mangingisda, at pagawaan ng gatas o Dairy (Agri Co-ops Cluster).

          Sa kanyang paunang mensahe, binigyan diin niya na sa mga talastasan at pag-uusap sa pagpupulong na yaon, marapat lamang na gamitin ang ating sariling wika. Sabi niya, “Ipagmaunhin po ninyo ang paggamit ko ng wikang Pilipino, sapagkat maliban sa nananalaytay sa aking puso, dugo at laman, kaya’t ipinagmamalaki ko kahit kanino, ikaw, ako, tayo ay Pilipino! Ilalahad namin ang tunay naming pagkatao, bilang isang maka-Pilipino, na tanging hangad ng mga kasama ko sa tanggapan namin at sa tanggapan nyo, sigurado, lahat kayo ay umasenso” ayon sa kanyang sariling pahayag.

          Ibinahagi niya ang kanyang maalab na paghahangad na itaas ang antas ng mga kasapi ng sektor pang-agrikultura, at ang kanyang mithiin na palakasin at palawakin ang SAO. Ayon sa kanyang sariling mga kataga, binigyan diin din niya ang marapat na pagtalima sa mga kasalukuyang alituntunin upang makasabay sa progresong hinahangad.

          Ayon sa kanya, “Dangan nga lamang, mayroong panuntunan na dapat nating sundan, upang ikaw ay lalong pagpalain sa iyong katungkulan, yumabong, at makaakay pa sa isang bagong tatag na SAMAHANG “SECTORAL APEX ORGANISASYON, o TALUDTOD NG SAMAHAN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA”! Mahirap ang mamuno, pero kung tatanawin natin ang kahihinatnan ng bawat kasapi, bawat kababayan, at dinagdagan pa ng isang larawan ng ating bayan…. na may tungkulin ang bawat isang mamamayan na isulong ang kaunlaran…at ang pinaka-simpleng kahulugan nito ay” kalinga, pagmamahal, o sa madaling salita, MALASAKIT sa KAPWA!”

Binigyan papuri din ni Galamay na Kalihim Lazaga ang pagkabuo ng RCO sa buong bansa, kasabay ng pag papaabot niya nang kanyang pasasalamat sa lahat ng Direktor ng Rehiyon ng Kapangyarihan para sa Kaunlaran ng Kooperatiba o CDA at sa lahat ng kawani ng CDA sa matagumpay na paghahalal ng opisyales ng RCO sa Kumpol ng Agrikultura at pagpapalabas ng katibayan ng pagkilala sa bawat mahahalal, mula naman sa Sentrong Tanggapan ng CDA.

          Sinabi ni Galamay na Kalihim Lazaga na “ipinagbibigay alam namin sa lahat na ang taludtod ng samahan ng sektor ng agrikultura ay naglalayong ipatupad ang mga alituntunin ayon sa Batas Republika 11364.

Sa kanyang panghuli o pang-wakas na mensahe, isinalin niya sa wikang Filipino at ibinahagi ni Galamay na Kalihim Lazaga ang iang mensahe hango sa kataga ng dating Pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy: “Isipin mo ang magagawa mo sa bansa mo at huwag ang magagawa ng bansa mo sa iyo!”

            Pagkatapos nito, ay pormal na niyang binuksan ang simula ng pagpupulong. Sa opisyal na panimula ng pagpupulong, Ipinakilala ng mga Direktor ng Rehiyon ng CDA ang labing-pitong (17) mga Pangulo at mga kinatawan ng mga RCO, bilang ang mga sumusunod:

Ipinakilala rin ni Pansamantalang Tagapangasiwa at Galamay na Kalihim Myrla B. Paradillo si Pangalawang Kalihim Joseph B. Encabo, ang tagapangulo ng CDA, na siya namang nagbigay ng kanyang mensahe.

          Pinapurihan ni Pangalawang Kalihim Encabo ang dedikasyon ng lahat ng bumubuo ng RCO na nagbibigay daan sa tapat na serbisyo sa kumunidad. “Kaya natin labanan at harapin ang pandemiyang ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa ating kooperatiba”, sambit ng Tagapangulo ng CDA.

          Nanawagan din siya sa mga nahalal: “Sama-sama tayong magtrabaho para makamit natin ang mas matibay, concrete and progressive actions for our sector.” Dagdag pa ni Pangalawang Kalihim Encabo, “Join us in bringing our sector to greater heights. Together with our shared vision and actions, kayang-kaya natin pamunuan at pagtibayin ang gating mga kontribusyon para sa ating kooperatiba.”

Ipinakilala rin ni Pansamantalang Tagapangasiwa at Galamay na Kalihim Myrla B. Paradillo si Pangalawang Kalihim Joseph B. Encabo, ang tagapangulo ng CDA, na siya namang nagbigay ng kanyang mensahe.

          Pinapurihan ni Pangalawang Kalihim Encabo ang dedikasyon ng lahat ng bumubuo ng RCO na nagbibigay daan sa tapat na serbisyo sa kumunidad. Kaya natin labanan at harapin ang pandemiyang ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa ating kooperatiba”, sambit ng Tagapangulo ng CDA.

          Nanawagan din siya sa mga nahalal: “Sama-sama tayong magtrabaho para makamit natin ang mas matibay, concrete and progressive actions for our sector.” Dagdag pa ni Pangalawang Kalihim Encabo, “Join us in bringing our sector to greater heights. Together with our shared vision and actions, kayang-kaya natin pamunuan at pagtibayin ang gating mga kontribusyon para sa ating kooperatiba.”

Ipinakilala rin ni Pansamantalang Tagapangasiwa at Galamay na Kalihim Myrla B. Paradillo si Pangalawang Kalihim Joseph B. Encabo, ang tagapangulo ng CDA, na siya namang nagbigay ng kanyang mensahe.

          Pinapurihan ni Pangalawang Kalihim Encabo ang dedikasyon ng lahat ng bumubuo ng RCO na nagbibigay daan sa tapat na serbisyo sa kumunidad. “Kaya natin labanan at harapin ang pandemiyang ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa ating kooperatiba”, sambit ng Tagapangulo ng CDA.

          Nanawagan din siya sa mga nahalal: “Sama-sama tayong magtrabaho para makamit natin ang mas matibay, concrete and progressive actions for our sector.” Dagdag pa ni Pangalawang Kalihim Encabo, “Join us in bringing our sector to greater heights. Together with our shared vision and actions, kayang-kaya natin pamunuan at pagtibayin ang gating mga kontribusyon para sa ating kooperatiba.”

Ang mga naihalal na opisyales ay nagsipagsumpa sa kanilang katungkulan sa harap ni Galamay na Kalihim Lazaga na siyang nagsilbing tiga-panumpa.

          Pagkatapos ng nasabing kaganapan ng pagsusumpa sa katungkulan, ibinigay ni Galamay na Kalihim Lazaga ang kanyang panghuling salita, sa pagsabi ng mga sumusunod: ““Hinay-hinay, jutay-jutay, dahan-dahan, agin-nayad, luway-luway, konte-konte. Unti-unti na po tayong lumalapit sa tugatog ng tagumpay, sa pamamagitan ng pag-sasakatuparan at pagbabahagi ng inyong mga ginintuang oras, sakripisyo, direkto man o pahapyaw na pakikisalamuha sa lahat ng pamilyang Pilipino upang mapaghandaan, at matugunan ang pangangailangang pagkaing mula sa Agrikultura at ihain sa hapag ng bawat Pamilyang Pilipino.”

Tinatanaw ko pong isang napakalaking utang na loob sa bawat isa sa atin, ang pagtataguyod ng marangal na gawain, pagbabanat ng buto ng mga magsasaka, mangingisda, agrario o repormang pansaka, Agrikultura, akwakultura, at pagawaang pang gatas natin, mula bukang liwayway ng umaga hanggang takip silim ng isa na namang araw upang mag-ambag sa ating ekonomiya, at ang kalusugan at lakas ng bawat katawan naman sa bawat isa sa atin. Ito po ang bunga ng bawat sakripisyo ninyo! Kaya ipinagmamalaki ko! Ikaw! Ako! Tayo Pilipino!”

          Kasama rin sa pagpupulong ay si Galamay na Kalihim Vidal D. Villanueva III, pinuno ng Finance Cluster, at ang mga empleyado ng CDA na tumulong sa pagbuo ng gawaing ito. (CMarders)