Nakibahagi ang Cooperative Development Authority Regional Office III (CDA RO III) sa pagdiriwang ng 38 th National Coconut Week na ginanap noong Agosto 28, 2024 sa Sitio Diabuyo, Barangay Ditumabo, San Luis, Aurora.
May temang “Paghubog sa Pilipinong Magniniyog, Daan sa Pag-Angat ng Ekonomiya at Maunlad na Bagong Pilipinas”, pinangunahan ang programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pamamagitan ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Bahagi ng naturang selebrasyon ang BAYANIYUGAN: Simultaneous Coconut Planting Activity na nilahukan ng iba’t-ibang sektor at ahensya ng gobyerno. Naglalayon ang sabayang pagtatanim na mapalago ang industriya ng niyog sa lugar kasabay ng pagbibigay ng karagdagang kontribusyon sa pangangalaga ng kapaligiran.
Dala ang buong suporta, ang CDA RO III ay nagplaplanong ipagpatuloy ang pakikilahok sa mga katulad na programa at aktibidad na nagsisikap na maisulong ang agrikultura kasama ng mga magniniyog sa buong rehiyon at sa buong bansa.
Prepared by:
RHON-SYDNEY S. SALUNGA
CDS II