CDA Region IV-A EO

BUKLOD NG BUHAY ARC MULTIPURPOSE COOPERATIVE

Taong 2004, ang mga Savings Group na binuo ng Fundacion Santiago (NGO) at ang samahan ng Bukal, Hagonghong Farmers Organization (BHFO) na nabuo sa tulong ng ahensya ng pamahalaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ay nagbigkis at nagkaisang bumuo ng isang kooperatiba.  Ito ay pinangalanang “BUKLOD NG BUHAY SAVINGS AND CREDIT COOPERATIVE”o BBSCC, na naglalayong matulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kasapi nito na mula sa apat (4) na barangay ng Buenavista, Ang mga Barangay na ito ay ang: Brgy. Wasay Ibaba, Pinamasagan, Bukal, at Hagonghong na nagsilbing lawak ng nasasaklawan ng Kooperatibang Buklod ng Buhay Savings & Credit Cooperative.

        Bumuo ng mga batas at patakaran at naghalal ng:

  • Pito (7) Kagawad ng Patnugutan (BOD)
  • Tatlo (3) Lupon ng Credit Committee
  • Tatlo (3) Lupon ng Audit Committee
  • Tatlo (3) Lupon ng Education Committee
  • Tatlo (3) Lupon ng Mediation Committee
  • Tatlo (3) Lupon ng Election Committee
  • Nagtalaga ng isang (1) Kalihim at isang (1) Ingat-Yaman

Ang BBSCC ay ganap na naparehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) noong Enero 20, 2005 na may kabuuang dami ng kasapi na siyamnaput-apat (94) katao na pawing magsasaka, mangingisda at mga lehitimong mamamayan ng apat na barangay Wasay Ibaba, Pinamasagan, Bukal, at Hagonghong sa bayan ng Buenavista, Quezon. 

Taong 2008, ang Buklod ng Buhay Savings and Credit Cooperative ay na affiliate sa NATCCO (National Confederation of Cooperative), at dahil dito lumawak ang saklaw ng operasyon sa buong bayan ng Buenavista pati na rin sa karatig bayan nito, ito ay ang bayan ng Lopez, Guinayangan, San Narciso, Catanauan at Mulanay

Taong 2012 ng maamyendahan ang pangalan ng Buklod ng Buhay Savings and Credit Cooperative patungo sa Buklod ng Buhay ARC Multi-Purpose Cooperative (BBARC MPC).

Ang BBARC MPC ay dumanas din ng mga pagsubok sa operasyon, may mga empleyado na hindi naging tapat sa paggampan sa kanilang mga tungkulin na nagresulta ng pagkasira ng imahe ng Kooperatiba, maraming miyembro ang nawalan ng tiwala at hindi nagbayad sa kanilang pagkakautang.  Sa kabila nito, ang NATCCO ay patuloy na umalalay at gumabay upang maiayos ang negosyo ng BBARC MPC.  Nagbigay ng dagdag pagkakakitaan ng maging CCT conduit, nakatulong ito upang unti-unting maayos ang nasirang imahe ng BBARC MPC.

Sa kasalukuyan ang BBARC MPC ay nagseserbisyo sa mga kasapi nito bilang tagapagpautang ng halagang magagamit sa mga sumusunod:

  • REGULAR LOAN
  • AGRI-PRODUCTION LOAN
  • BUSINESS LOAN
  • PROVIDENTIAL LOAN
  • MICOOP LOAN
  • DAILY EXPRESS LOAN

 

       IBA PANG SERBISYO:

  • SAVINGS/TIME DEPOSIT pag-iimpok kung saan ang kooperatiba ay nagsisilbing maliit na bangko na mapag-iimpukan ng mga kasapi.
  • MICOOP INSURANCE (DAMAYAN)
  • PAMIMILI NG KOPRA

Ang BBARC MPC ay nababaan ng pondo na nagkakahalaga ng 250k mula sa CDA-PCA partnership na ginamit na panimulang puhunan sa pamimili ng Kopra. 

Patuloy ang paglilingkod sa mga kasapi na may kabuuang bilang na dalawang libo dalawang daan at pitumpu’t tatlo (2,273) myembro.  Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya tulad ng DAR, DA, DSWD, LGU, PCA at CDA.