Namahagi ng grocery packs ang Tayabas Community Multipurpose Cooperative (TCMC), Ilasan Multipurpose Cooperative (IMPC), Government Employees of Tayabas Multipurpose Cooperative (GETMPC), St. Jude Multipurpose Cooperative (SJMPC), at Tayabas City Transport Service Cooperative (TCTSC), katulong ang Tayabas City Cooperative Development Office, Tayabas City Cooperative Development Council, at Tayabas City Social Welfare and Development Office sa 85 Solo parents.
Ginanap ang pamamahagi sa St. Jude Coop Hotel and Event Center, sa tanggapan ng IMPC at sa Tayabas East Central School. Pinangunahan ni G. Gener Abordo, head ng Tayabas City Cooperative Development Office ang maikling Cooperative Orientation upang higit na maunawaan ng mga solo parent ang halaga ng mga kooperatiba sa pagpapaunlad ng pamayanan. Samantala, nagbigay ng inspirational message sina Mayor Ernida Reynoso at G. Bernie Obmasca bilang tagapangulo ng TCCDC.
Maliban sa pamamahagi ng grocery packs, namahagi din ng IEC bags ang t-shirts sa tanggapan ng Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni Ms. Maide O. Jader at merienda sa mga lumahok sa programa. Nagkaroon din ng libreng haircut, manicure at pedicure sa lahat ng solo parents na nagsidalo.