Ang Tayabas Bay Fishermen Cooperative sa Mjulanay, Quezon ay nagkaroon ng pagkakataon na sumali sa ”KOOP KAPATID Program” ng Cooperative Development Authority (CDA) noong nakaraang taon. Nagkaroon ng kasunduan sa CDA at ang Yakap at Halik MPC2 (YHMPC2) bilang Big Koop Kapatid na tulungan ang Tayabas Bay Fishermen Cooperative bilang Small Koop Kapatid para sa technical assistance, mga pagsasanay para makatugon sa mga pangangailangan ng mga kasapi at pati na rin sa mga pananagutan sa CDA at iba pang ahensiya ng pamahalaan katulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Noong nakaraang ika-29 ng Mayo, sa pamamagitan ni G. Ranel Lingahan, Cooperative Development Specialist II ng CDA sa Quezon, ay nagkaroon ng pagkakataon na makabisita ang dalawa sa kasapi ng Board of Directors at ang dalawang staff ng Small Koop Kapatid sa mga proyekto ng YHMPC2 sa Padre Burgos, Quezon at nagkaroon ng palitan ng talakayan tungkol sa nagging karanasan ng Big Koop Kapatid. Ang kanilang ibinahaging karanasan ay nagging isang hamon sa Tayabas Bay Fishermen Cooperative bilang bagong tayong Kooperatiba kung paano masundan ang kanilang nagging tagumpay.
Ang isa sa malaking hamon sa small koop bilang bago palang ay kung paano makakatugon sa mga dokumento na kailangan isumite sa CDA kagaya ng paggawa ng Financial Reports. Kaya nagpasya uli na magpaturo o magkaroon ng mentoring session sa paggawa ng financial reports, paano ang bookkeeping at paano isaayos ang kabuuang financial system ng kooperatiba noong ika-11 ng Disyembre 2021. Ang kanilang Bookkeeper, Ingat -Yaman at ang BOD Vice-Chairperson ay tinuruan sa usapin ng pagsasa-ayos ng pinansiyal. Kinikilalang small koop na sa pamamagitan ng Programang Koop Kapatid ay may malaking maiaambag ang kooperatib asa pagtugon sa mga responsibilidad at pananagutan nito sa mga miyembro. Hiling nila ay maging tuloy–tuloy itong programa para matulungan ang mga maliliit pang mga Kooperatiba.
Inihandani: GNG. DIANA G. RIVERA
Ingat- Yaman