LIBRENG COOP CONSULTATION, bukas na para sa lahat ng kooperatiba sa Quezon City!
Sinimulan nang i roll-out ng Cooperative Development Authority – National Capital Regional Office (CDA-NCREO) sa pangunguna ng mga Field Cooperatives Development Specialists na sina Ms. May Q. Pacleb, Ms. Radeza I. Rosquillo, Ms. Cheysser R. Cabatin at Mr. Rene S. Mendoza na nakatalaga sa Lungsod Quezon at Quezon City-Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (QC-SBCDPO) sa pamumuno ni Ms. Mona Celine Marie V. Yap katuwang sina Mr. Arnikan T. Abueva at Ms. Cherrie R. Olivar ang Weekly Cooperative Cliniquing para sa mga rehistradong kooperatiba at livelihood groups na nais maging kooperatiba.
Ito ay bukas tuwing Miyerkules at Biyernes sa tanggapan ng QC-SBCDPO, 6th flr., West Wing Main High Rise Bldg., Quezon City Hall mula ika-10 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.
Ang Weekly Cooperative Cliniquing ay inorganisa upang matulungan ang mga kooperatiba ng lungsod na manatiling “Compliant” sa mga requirements na itinakda ng batas at upang mas malinang pa ang kanilang mga kakayahan bilang Kooperatiba.