Hindi maikakaila na sa isang iglap, nabago ang ikot ng mundo. Marami na ang naging biktima sa pandemya na likha ng pagkalat ng nakakahawa at naka mamatay na COVID-19. Mayaman o mahirap na bansa, walang pinipiling tao o pamilya, maging negosyo, maunlad, maliit o malaki, lahat ay maaring maging biktima at walang nakakaalam kung kailan, sino at saan makakahawa.